subscribe: Posts | Comments

Gay-Story: “Should you stay or should you go?”

2 comments

This story has been sent to us by FBelleza ! All copyrights are owned by the author. Many thanks to the author. If you as a reader have a good story too – let us know and send it to us. If it is an interesting or hot erotic story – we´ll publish it !

shud_i_or_shudBacolod pa rin. May isang taga-Planet Romeo (PR) ang nag-message sa akin. Blangko ang profile nya at kahit manghingi ako ng picture ay hindi talaga sya nagbigay. “Hwag kang mag-alala. Hindi man ako gwapo, maputi ako at macho.” Iyon ang aking pinanghawakan at nagpalitan kami ng cellphone numbers. Itago natin sya sa pangalang Puticho (maPUTI at maCHO). Eto ang itinakbo ng aming text (as far as I remember, of course):

Fbelleza: Hindi ka ba talaga pwedeng magbigay ng face pic?
Puticho: Hindi pare e. Basta hwag kang mag-alala, maputi ako at macho.
Fbelleza: Hirap nyan kase yun mga nagsasabi nyan e iba naman talaga sa personal.
Puticho: Don’t worry, hindi ka magsisisi. Ano, puntahan kita sa hotel mo ha?
Fbelleza: Sige. Mga 8p siguro ako makakarating sa hotel.
Puticho: Ano room number mo? Direcho na ako dun.
Fbelleza: Hindi, magkita tayo sa may convenience store malapit sa hotel ko. Alam mo ba yun?
Puticho: A oo, alam ko yun. Sige ha, mamaya. Oi, hindi ako gwapo ha.
Fbelleza: Sige, ok lang, I’m counting on the maputi at macho.
Puticho: Hehe, sige sige. Hindi ka magsisisi.
Fbelleza: Basta ganito. Since ayaw mo naman magpakita ng picture, depende kung type kita ha. Kung type kita, do tayo. Kung hindi, uwi ka.
Puticho: Ok a, do or uwi! Sige maganda yan, sigurado do yan, hehe.
Fbelleza: Ok, text text later.

At dumating ang takdang oras.

Fbelleza: Hotel na ako. Anytime.
Puticho: Sige, nasa malapit lang ako. Punta na ko sa convenience store.
Fbelleza: Ok, text ka kapag andun ka na.

After a while…

Puticho: Dito na ko.
Fbelleza: Ok, punta na ko jan.

Nagsuot ako ng black sando at shorts. Paborito ko to simula nun nagkalaman ako at nagkaron ng confidence sa katawan ko. Hindi naman ako macho, pero sabi ng mga nakikilala ko ay “nakakalibog” ang katawan ko, hehe. Pumasok ako sa convenience store, naghanap ako ng maputi at macho.

Fbelleza: Asan ka banda?
Puticho: Dito sa labas.
Fbelleza: Punta ka dito sa loob, dito ako sa may ref banda.
Puticho: Huwag na, dito na lang ako sa labas. Ikaw ba yung nakasando na black? Ok ka naman pala e. Sabi ko ha, hindi ako gwapo.
Fbelleza: Oo, alam ko, basta I’m counting on the maputi at macho. Do or uwi ka, remember?
Puticho: Ok.

Lumabas ako at nakita ang isang lalaking naka-tshirt na puti at shorts. Maliit lang sya, mga 5’5″ yata. “Shit,” sabi ko sa sarili ko, bakit ba hindi ko man lang tinanong ang height nya! Sa totoo lang, mas preferred ko ang mga matangkad kase matangkad ako. Kahit mga 5’7″ lang sana at least. Ayoko sanang maging masama dahil alam ko ang feeling ng nare-reject. Kaya lang hindi ko talaga sya gusto…

Fbelleza: (Reached out my hand) Hi, ako si Fred.
Puticho: Hi. Nice to meet you.
Fbelleza: Diba sabi ko do or uwi?
Puticho: Oo, so, ano ang desisyon mo?
Fbelleza: UWI!

VN:F [1.9.4_1102]
Rating: 8.3/10 (4 votes cast)

Gay-Story: "Should you stay or should you go?", 8.3 out of 10 based on 4 ratings

Related to this and interesting:

  1. bhenoisky says:

    we all have to face it.. one’s taste is relative from one another..
    at least, clear ang agreement.. DO or UWI.. :D

  2. fbelleza30 says:

    yeah, I made it really clear. thanks for reading and commenting!